top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Claudine Barretto, sumailalim sa thigh operation

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 30, 2022
1 min read

ni Lolet Abania | November 30, 2022



Humingi ng panalangin ang aktres na si Claudine Barretto dahil sasailalim siya sa isang thigh operation.


Sa kanyang Instagram, sinabi ni Claudine sa isang video na magsasagawa ng operasyon sa kanyang hita o thigh, habang hiniling niya sa kanyang mga followers, “wish me luck and pray for me.”


“[Please] pray for a safe operation for me. [Love] you, my Palanggas,” caption ni Claudine sa kanyang post.


Nai-share din ng aktres ang isang video ng kanyang sarili na nasa wheelchair habang patungo na sa Operating Room, at nangakong magbibigay ng update sa kanyang kondisyon.


Base sa IG feed ni Claudine, dinala siya sa Emergency Room apat na araw na ang nakalilipas. Nilinaw naman ng aktres na wala siyang COVID-19.


Kabilang sa mga nag-post at well wishers ay sina Baron Geisler, Princess Punzalan, at Lorna Tolentino.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page