CLAUDINE ATRAS, ATTY. TOPACIO, IDEDEMANDA SI SABRINA M.
ni Ambet Nabus @Let's See | July 16, 2023

Sinabi namin last issue na hindi na namin papatulan pa ang emote ni Sabrina M, pero nang dahil sa na-interview namin si Claudine Barretto na feel na feel namin ang galit at inis, ise-share namin sa inyo ang ilan sa mga sinabi niya.
Una, hindi na siya ang magdedemanda if ever na hindi mag-public apology ang dating sexy star kundi ang best friend niyang si Atty. Ferdie Topacio at ilan niyang loyal Claudinians.

Sey sa amin ni Clau, "Hindi ko siya talaga kilala at hindi ko na para patulan pa. Pero dahil sa nayuyurakan ang pangalan ni Rico (Yan) at nadadamay pa kami sa kung anumang layunin ng pag-iingay niya, hindi naman siguro ito dapat na hayaan na lang."
Inuulit din ni Clau ang pasasalamat kay Katrina Paula na nagbigay-linaw din sa kuwento kahit pa nga ma-sacrifice ang friendship nito sa kapwa sexy star.





Comments