top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Classic Cup inaabangan

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 6, 2022
2 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | March 6, 2022



Ilang tulog na lang at masisilayan ang bakbakan ng mga tigasing kabayo sa magaganap na 2022 PHILRACOM "Classic Cup Race Division III" na ilalarga sa Marso 20 sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.


Nagdeklara ng pagsali ang magka-kuwadrang sina Big Lagoon at Fortissimo kasama ang walo pang kalahok sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).


Rerendahan nina JA Guce at Kelvin Abobo sina Big Lagoon at Fortissimo ayon sa pagkakasunod, makakatagisan nila ng bilis ang walo pang nominado sa distansiyang 1,800 meter race.


Makakatagisan ng bilis nina Big Lagoon at Fortissimo sina Kid Baloloy, Toy For The BigBoy, Bomod Ok Falls, Coal Digger, Hookbung Dagat, Hook On D Run, La Liga Filipina at Victorious Colt.


Ayon sa mga ibang karerista, tinitiyak nilang mahihirapan silang mamili sa mga kasaling kabayo dahil halos lahat mahuhusay.


May guaranteed prize na P500,000 kung saan masisilo ng mananalong kabayo ang P300,000 na premyo habang tig- P100,000, P50,000 at P25,000 at second, third at fourth placers ayon sa pagkakahilera.


Mag-uuwi rin ng P15,000 at P10,000 ang fifth at sixth.


Samantala, may 12 karera ang inihain ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Linggo kaya paniguradong masaya ang mga karerista sa kanilang pananaya.


Isa sa mga aabangan ng mga karerista ay ang 2022 PHILRACOM "3-Year-Old Maiden Stakes Race na ilalarga sa pista ng Metro Turf sa Malvar, Tanauan City sa Batangas.


Markado ang kalahok na Rain Man na rerendahan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate, kung saan makakaharap nila ang 11 pang kasali sa distansiyang 1,400 meter race.


Isa sa mga mahuhusay na hinete si Zarate, inaasahang liyamado sa laban ang sakay niyang si Rain Man paglarga ng karera sa Race 4.


Ang ibang kalahok ay sina Double Shot, Freedom Lover, Color Blast, Colony Bell, Midship Bell, Ala Savoun, Amor Mi Amor, Pharaoh's King, Sir William, Ultimate Champion at Dr. Rap.


Nakalaan ang guaranteed prize na P1.2M kung saan hahamigin ng unang kabayong tatawid sa meta ang P720,000 habang kukubrahin ng second placer ang P240,000, mapupunta sa 3rd at 4th ang tig-P120,000 at P60,000 ayon sa pagkakasunod.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1. Hannah Rosa (6), Geneva (2)

Race 2. This Time (5), Pitong Gatang (1), Manang Biday (8)

Race 3. Palauig (2), Reliable Den (1), El Mundo (4)

Race 4. Rain Man (8), Amor Mi Amor (7), Dr. Rap (12)

Race 5. Jean Genie (10), Since When (2), Narrative, (3)

Race 6. Hee Nieve Rahh (4), Buwayang Bato (5)

Race 7. Robin Hood (2), Battle Scar (4)

Race 8. Captain Sully (5), Baywatch (10), Lady Orphan (4)

Race 9. Within Reach (7), Great Joeling (1), Greatest Love (2)

Race 10. Pass Your Papers (2), Broadway (5), Goldbar (9)

Race 11. Hook The Hustler (9), Apollo/Don Lucas (4/4A), Marilag (3)

Race 12. Triple Track (1), Full Combat Order (10), Grand Laughter (7)

Patok - Rain Man (R4), Robin Hood (R7)

Pandehado - Hee Nieve Rahh (R6), Triple Track (R12)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page