Class suspension sa M. Mla., nakadepende sa mayor
- BULGAR

- 3 hours ago
- 1 min read
ni Mervin Reyes @News | July 9, 2026

Photo: Mayor Fancis Zamors - FB
Nakasalalay sa mga alkalde ng Metro Manila ang desisyon sa posibleng suspensyon ng klase sa Biyernes, Hulyo 10, batay sa pinakahuling weather forecast.
Ayon kay Metro Manila Council President at San Juan City Mayor Francis Zamora, susuriin muna ng bawat lokal na pamahalaan ang lagay ng panahon sa kanilang nasasakupan bago magpasya upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante, guro, at iba pang kawani ng paaralan.
Sinabi rin ni Zamora na kung kinakailangang magsuspinde ng klase, iaanunsyo ito ngayong Huwebes upang magkaroon ng sapat na oras ang publiko na makapaghanda.





Comments