top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Clarkson, bida uli sa Jazz; Irving, balik laro sa Nets

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 21, 2021
2 min read

ni MC / Anthony E. Servinio - @Sports | January 21, 2021





Malaking papel ang ginampanan ni Gilas Pilipinas Jordan Clarkson sa tagumpay ng Utah Jazz sa bisitang New Orleans Pelicans, 118-102, kahapon sa pagpapatuloy ng 2020-2021 NBA sa Vivint Arena. Umakyat ang Jazz sa 10-4 upang tumabla sa Los Angeles Clippers para sa ikalawang pwesto sa Western Conference.


Huling lumamang ang Pelicans, 47-46, subalit binawi agad ng tres ni Clarkson sa 2nd quarter ang lamang at mula roon ay hindi na lumingon ang Jazz. Nagsanib pwersa sina Clarkson at Joe Ingles upang itayo ang pinakamalaking lamang sa 4th quarter, 99-74.


Nagtapos si Clarkson na may anim sa 18 puntos sa 4th quarter. Nanguna para sa Jazz si Donovan Mitchell na may 28 puntos habang may 15 puntos si Ingles, lahat galing sa tres.


Sa isa pang laro, dinurog ng Denver Nuggets ang bisitang Oklahoma City Thunder, 119-101. Pitong Nuggets ang nagtala ng higit 10 puntos sa pangunguna ni Nikola Jokic na may 27 puntos at Monte Morris na may 15 puntos.


Samantala, nagbalik na sa Brooklyn Nets si NBA superstar Kyrie Irving matapos hindi makapaglaro ng 7 games at sinabing nangailangan lang siya ng pahinga sa liga dahil sa problemang personal.


Nag-ensayo si Irving kasama ang Nets at sinabi ni coach Steven Nash na ianasahan niyang maglalaro ito sa pagbisita ng Brooklyn sa Cleveland. Nagsalita ang 28-anyos na American guard kaugnay sa problema sa pamilya at mental health issues sa kanyang unang comment matapos makabalik sa team. "Happy to be back. Happy to be around these guys," ani Irving. "We got some great pieces and we just move on and I let my actions and my game speak for itself like I planned on doing. Just needed a pause."


Matatandaang nasayang ang halos $850,000 na pera ni Irving dahil sa mga multa at awas suweldo bunsod ng pag-violate niya sa NBA COVID-19 protocol na nag-ugat sa pag-absent niya sa koponan.


Nagpapasalamat ang dating Nets na si Caris LeVert at maagang natuklasan ang tumutubo sa kanyang bato at hindi siya kasama sa transaksyon na nagdala kay Harden sa Brooklyn galing Houston Rockets. Hindi muna maglalaro si LeVert sa Indiana Pacers at susuriin kung ito ay kanser o hindi.


Mawawala ng apat na linggo ang numero unong scorer ng Portland Trail Blazers na si CJ McCollum matapos magkalamat ang buto sa paa. Maliban kay McCollum, inoperahan ang kakamping si sentro Jusuf Nurkic para sa nabaling pulso at mawawala ng apat hanggang anim na linggo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page