Clark ng Beermen, bida, tinambakan ang Bossing
ni Clyde Mariano @Sports | February 2, 2023

Tulad sa inaasahan dahil malalim ang bench at magaling ang import na si Cameron Clark, pinaglaruan at ginawang practice team ng San Miguel Beermen ang Blackwater Bossing sa susunod nilang laro laban sa perennial tail-ender Terrafirma Dyip sa Peb. 3, pinulbos ang Elite, 105-86 sa PBA 47th PBA Governors Cup sa Philsports Arena sa Pasig City.
Ang panalo ay pangalawang blowout win ng SMB matapos ilampaso ang Phoenix hawak ni bagong coach Jamikie Jarin, 114-93, noong Enero 29 sa Ynares Centre sa Antipolo.
Limang players kasama sina Jericho Cruz, import Cameron Clark at June Mar Fajardo ang gumawa double digit sa SMB at dominahin ang Bossing. Nanguna si Cruz sa scoring nang tumipa ng 22 points, Clark, 20 kasama ang 14 sa firsf half at si Fajardo 17 at 16 rebounds.
Tinalo ni Clark ang kanyang counterpart na si Shawn Glover na kumulekta 16 points at 12 rebounds sa kanilang match up sa PBA. Naglaro si Clark sa Uruguay bago naglaro sa PBA.
Kinontrol ng Beermen ang laro mula umpisa at hindi pinagbigyan ang mga bata ni coach Ariel Vanguardia na makalapit at iposte ni coach Jorge Galent ang pangalawang lopsided na panalo mula nang pinalitan si long time mentor Leo Austria na bumaba sa kanyang puwesto at naging team consultant. “We played well-coordinated game offensively and defensively like in our last game against Phoenix. Hopefully, we sustain the game in our succeeding games,” sabi ni Galent.
Determinado ang Beermen na kunin ang korona sa Governor's Cup at mapatakpan ang kabiguan na maipagtanggol ang titulo sa katatapos na Commissioner’s Cup na napanalunan ng sister team Barangay Ginebra na tinalo ang Hong Kong-based guest team Bay Area Dragons 4-3 sa best-of-seven title series.





Comments