top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Claire Dela Fuente, hinatulan ng 7-taong kulong sa tax evasion

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 16, 2020
  • 1 min read

ni Lolet Abania | July 16, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Si Claire dela Fuente, singer-turned-businesswoman, ay hinatulan ng Court of Tax Appeals (CTA) ng aabot sa pitong taong pagkakakulong dahil sa tax evasion.


Kilalang dating singer si Dela Fuente, na ngayon ay Metro Manila bus operator na sinentensiyahan ng korte sa criminal case na isinampa sa kanya ng Bureau of Internal Revenue (BIR), sampung taon na ang nakalilipas, dahil sa non-filing ng income tax returns (ITR) sa taong 1998 hanggang 2004 ng Philippine Corinthian Liner Corp., ang kanyang bus company.


Bukod sa 7 taong pagkabilanggo na parusa sa seven counts ng tax violation na katumbas sa isang taong sentensiya bawat isa, magmumulta rin si Dela Fuente ng P150,000.


Una nang itinanggi ni Dela Fuente ang kaso sa kanya at sinasabing nagsimula ang bus company niya noon lamang 2005.


Gayunman, dinismis ng Court of Tax Appeals ang salaysay niya dahil sa records na naisumite sa Securities and Exchange Commission (SEC), Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB), na iprinisinta ng BIR.

Binasura rin ang PCLC's 2005 BIR registration iprinisinta niya sa trial dahil ayon sa revenue lawyers ito ay isang "spurious" o palsipikado.


Clarita Crisostomo Dela Fuente-De Guzman ang tunay na pangalan ni Claire dela Fuente na naging tanyag bilang 'Jukebox Queen' sa awiting "Sayang," at tinawag na Karen Carpenter ng Pilipinas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page