top of page
Search
  • BULGAR

Christmas park, siguruhing nakaka-entertain at safe

@Editorial | December 19, 2023


Dagsa ang pamilya at magkakaibigan sa mga Christmas park lalo na’t kapansin-pansin na talagang pinabongga ang mga ito para sa publiko.


Gayunman, isa pang nakalulungkot na insidente ang nangyari.


Kung saan, ang masaya sanang pagtunghay sa Christmas display sa city hall ng Dapitan, Zamboanga del Norte ay nauwi sa pagkasawi ng isang babae.Batay sa paunang imbestigasyon, namasyal ang 24-anyos na biktima sa Dapitan City Plaza kasama ang batang pamangkin para saksihan ang Christmas decor sa lugar. Umupo umano ang biktima sa isang stainless steel railing, at aksidenteng nahulog sa mga ilaw sa hardin. Sa video, makikitang umuusok pa ang bahagi ng halamanan kung saan nahulog ang biktima. Isinugod siya sa ospital subalit idineklarang dead-on-arrival.


Tiniyak naman ng Dapitan City LGU sa isang pahayag na aakuin nila ang lahat ng pangangailangan ng pamilya ng biktima.Matapos nito, pansamantalang inihinto ang pagpapailaw sa mga dekorasyon sa city hall plaza para sa kaligtasan ng publiko habang iniimbestigahan ang insidente.


Nakakalungkot at nakakabahala ang pangyayari, bagay na sana’y magsilbing leksyon sa lahat. 


Sana’y hindi lang maging maganda o nakaka-entertain ang mga Christmas park kundi maging ligtas sa publiko.

 

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page