top of page

Chinita Princess, gustung-gusto nang magkaanak… PAULO, PAKAKASALAN NA RAW SI KIM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 20, 2026



TEKA NGA - PAULO, PAKAKASALAN NA RAW SI KIM-FB Kim Chiu

Photo: FB Kim Chiu



Maugong ngayon ang tsika na pormal nang nagsabi si Paulo Avelino sa pamilya ni Kim Chiu na balak na niyang pakasalan ang Chinita Princess. 


Posibleng next year (2027) na magaganap ang kasalang Paulo at Kim. Laman ng mga blind items sa mga diyaryo ang tungkol dito. 


Gayunpaman, wala pang pormal na announcement mula kina Kim at Paulo at hindi pa alam kung totoo ito, kaya nag-aabang ang kanilang mga fans sa big news na ito. 

Para naman sa mga fans ni Kim, magandang balita ito kung totoo nga na balak na ng aktor na pakasalan ang kanilang idolo. Thirty-six years old na si Kim Chiu at nasa edad na upang magkaroon ng sariling pamilya. 


Kung gusto niya na magkaroon ng anak at ma-experience ang maging mommy, dapat na siyang mag-asawa dahil umaandar ang biological clock ng isang babae. 

Mahihirapan na siyang magbuntis kapag lagpas 40 years old na siya.





In-announce ng anak na si Ian… 

NORA AUNOR MUSEUM, BUBUKSAN SA HUNYO



PAGKATAPOS gunitain ang first death anniversary ng Superstar at National Artist na si Nora Aunor, nag-aabang at nakikibalita ang mga Noranians kung ano ang plano ng pamilya nito sa kanyang nalalapit na kaarawan sa May 21. 


Bale, 72 years old na si Nora Aunor sa darating nitong kaarawan. At kahit papaano, gusto pa rin ng mga loyal Noranians na ipagdiwang ang kaarawan ng kanilang idolo. 


Balita namin, may plano si Ian de Leon na ganapin ang birthday celebration ng kanyang ina sa bayan nito sa Iriga, Camarines Sur. Pero gustuhin man ng mga Noranians na pumunta, masyado raw malayo para sa kanila. 


Ang isa pang option ay ang planong sa Manila na lamang gawin ang birthday celebration upang maging accessible sa mga Noranians. Magkikita at magre-reunion na naman sila. Magtutulung-tulong ang lahat ng Nora Aunor fans club upang makabuo ng isang maayos na programa. 


Kasama rin sa plano para sa birthday celebration ni Guy ang pagdalaw sa Home for the Aged at iba pang charitable institutions. 


Noong nakaraang taon ay nagawa ito ni Nora Aunor kasama ang kanyang mga fans, kaya gusto ng mga Noranians na ipagpatuloy ito kahit yumao na ang Superstar. 


Samantala, ayon kay Ian de Leon, plano nilang buksan sa publiko ang Nora Aunor Museum sa Hunyo. Sa museum ilalagay ang mga memorabilia at trophies ni Nora Aunor.





MARAMI ang nagtataka kung bakit nagdesisyon ang Kapuso actor na si Pancho Magno na iwanan ang Sparkle Artist Management at lumipat sa Viva Artist Agency. 

Mahigit isang dekada na siya sa GMA Network at nabigyan ng magagandang proyekto. 

Ano ang dahilan at iniwan niya ang Kapuso Network? Isa ba itong career move para kay Pancho? 


Natural lang sa mga artista ang humanap ng bagong kapaligiran at bagong oportunidad. Gayunpaman, ang pagpirma niya ng kontrata sa Viva Artist Agency ay hindi nangangahulugan na hindi na siya tumatanaw ng utang na loob sa GMA Network.


Gusto lang ni Pancho na mas lumawak pa ang kanyang kaalaman sa pag-arte at makaganap sa mga challenging roles. 


Bagama’t nami-miss ni Pancho Magno ang kanyang mga dating kaibigan at staff ng mga shows sa GMA Network, mananatili naman ang kanilang komunikasyon. Maglalaan siya ng oras upang sila ay magkita-kita at makapag-bonding.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page