China state visit ni P-BBM sa Enero 2023 – OPS
ni Lolet Abania | November 11, 2022

Tinanggap na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang imbitasyon ni Chinese President Xi Jinping para sa isang state visit sa China sa susunod na taon, ayon sa Malacañang ngayong Biyernes.
Sinabi ng Office of the Press Secretary, magaganap ang state visit ni Pangulong Marcos mula Enero 3 hanggang 5 o 6, 2023.
“The Chinese government has since confirmed that schedule for the state visit,” saad ng OPS.
Matatandaan sa kanyang speech noong Hunyo 10, bago pa maupo sa presidency ni Pangulong Marcos, tinawag nito ang China bilang Philippines’ “strongest partner” habang nakikita niyang ang hinaharap ng dalawang bansa ay aniya, “developing in many ways.”
Gayunman, nangako ang Pangulo na kanyang poprotektahan ang national sovereignty sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa Beijing na aniya, “with a firm voice”, kaugnay sa maritime dispute sa South China Sea, isang bahagi ng bansa kung saan tinaguriang West Philippine Sea.





Comments