Chief Justice Gesmundo, mag-a-administer sa oathtaking ni Marcos

ni Lolet Abania | June 28, 2022

Tinanggap na ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang kahilingan sa kanya na mag-administer para sa oathtaking ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hunyo 30.
Ito ang kinumpirma sa mga reporters ni Supreme Court spokesman Atty. Brian Hosaka ngayong Martes.
“I do confirm that Chief Justice Gesmundo has been requested to administer the oath of President-Elect Marcos on June 30, 2022,” pahayag ni Hosaka nang tanungin ng mga reporters kung tinanggap ni Gesmundo ang kahilingang pangunahan ang panunumpa ni Marcos.
Gaganapin ang oathtaking ni Marcos sa National Museum, dating kilala bilang Old Legislative Building, sa Huwebes.
Ayon sa kampo ni Marcos, ang ceremony ay magiging solemn, simple at traditional. Ang television host na si Toni Gonzaga ang aawit ng Philippine National Anthem (“Lupang Hinirang”) habang ang inauguration song na “Pilipinas Kong Mahal” ay ipe-perform ng singer na si Cris Villonco at ng Young Voices of the Philippines Choir.
Sinabi pa ng kampo ni Marcos na hindi na kakailanganin pa ng susunod na pangulo ng isang teleprompter sa kanyang inaugural speech.
Gayundin, mahigit sa 18,000 public safety at security forces ang ide-deploy para sa seguridad ng inagurasyon ni Marcos, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).





Comments