CHED: Medical schools, tatanggap ng estudyante kahit hindi dumaan sa NMAT
- BULGAR

- Jul 1, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | July 01, 2020

Inanunsiyo ng Commission on Higher Education ngayong Miyerkules na makakapasok pa rin sa medical school ang mga estudyanteng hindi nakakuha ng National Medical Admission Test (NMAT) para sa nalalapit na academic year.
Ngunit, ito ay para lamang sa Academic Year 2020-2021. Hindi ito natuloy dahil sa COVID-19 pandemic. Ang NMAT ay isang hakbang upang makapasok sa Philippine Medical School.
Halos 9,000 aplikante dapat ang kukuha ng test noong March ngunit hindi natuloy dahil sa pandemic. Sinabi ni CHED Chairman J. Prospero De Vera III na napagdesisyunan ito upang hindi ikabahala ng mga estudyante at kanilang magulang ang pagpasok nito sa medical school.
Sa ngayon, mayroon ng 56 higher education institution ang bansa na autorisado na magbigay ng Doctor of Medicine program.




Comments