Chavit, kinasuhan ng cyberlibel, todo-smile sa mugshot
- BULGAR

- 3 hours ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | June 12, 2026

Photo: Circulated
Nagpiyansa nitong Huwebes ng hapon si dating Ilocos Sur Governor Luis 'Chavit' Singson kaugnay ng kinakaharap nitong kasong cyberlibel.
Kapansin-pansin naman ang kanyang maaliwalas na disposisyon habang kinukunan ng mugshot, kung saan makikitang nakangiti pa ito sa kabila ng kinakaharap na kaso.
Hindi naman nagtagal ang pananatili ni Singson sa kustodiya ng pulisya matapos siyang makapagpiyansa ng P60,000.
Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag si Singson hinggil sa mga alegasyon laban sa kanya.





Comments