Chase The Gold hahabulin sa 3-YO Maiden Race
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | January 27, 2022
Balik sa Santa Ana Park, Naic, Cavite ang karera ngayong araw ng Huwebes.
Pitong balanseng races ang ilalarga ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI) kaya naman inaasahang masisiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang.
Makikilatis sa Race 5 si Chase The Gold sa magaganap na 3-Year-Old & Above Maiden race kung saan ang distansya ay 1,300 meter race.
Gagabayan ni jockey JML Siego, masusubukan ang husay ni Chase The Gold laban sa pitong bagitong kalahok sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni chairman Reli De Leon. Ang ibang kalahok ay sina Green Archer, Walang Lamangan, Med-Bays, Lorbide, Empire Ruler, Atomic Blonde at Phoenix Rising. Nakalaan ang added prize na P10,000 para sa mananalong 3-Year-Old Horse. Tiyak na aabangan din ng mga karerista ang bakbakan sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na ilalarga sa pang-anim na karera.
Ang mga magtatagisan ng bilis sa 1,300 meter race ay sina Cannon Ball, Spyglass, Sunday Surprise, Ahala, Imperium at Get To Grips.
Samantala, nanguna si Batang Cabrera sa mga nagsaad ng paglahok sa magaganap na Commissioner's Cup Division II na pakakawalan sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite sa Pebrero 20.
Anak nina Consolidator at Pali, inaasahang makakalaban ni Batang Cabrera ang mga nominado sa nasabing karera sina Arrabiata, Flattering You, Greatwall, Isla Puting Bato, Magna Cum Laude, Magtotobetsky, Shining Vic, Victorious Colt at Weather Lang.
Sasakyan ni jockey AM tancioco, sasabakan ni Batang Cabrera ang karera na may distansyang 1,600 meter race.
Pag-aari ni AV Tan si Batang Cabrera, target nila ang P450,000 na premyo para sa mananalong kabayo.
May guaranteed prize na P750,000 ang karera, ikakalat ito sa unang anim na kabayong tatawid sa meta, nakalaan ang P150,000 sa second placer.
Ibubulsa ng 3rd place ang P75,000, habang mapupunta ang P37,500, P22,500 at P15,000 sa fourth, fifth at sixth ayon sa pagkakahilera.





Comments