Chase The Gold, aariba sa Maiden Race
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | February 06, 2022
Bakbakan agad ng mga batang kabayo ang masisilayan sa unang karera ngayong araw ng Linggo na gaganapin sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Pitong tigasing kalahok ang magtatagisan ng bilis sa 3-Year-Old & Above Maiiden Race kung saan ang distansya ay 1,300 meter race.
Ayon sa mga karerista sa social media, napipisil nilang tayaan ang kalahok na sina Chase The Gold at Speed Wonder. "Sa tingin ko malaki ang panalo nina Chase The Gold at Speed Wonder, kaya dyan ako sa kanila," saad ni Levictus Salvador, karerista.
Maliban sa nabanggit na kabayo, ang ibang kalahok sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ay sina Lorbide, Green Arcger, Empire Ruler, Med-Bays at Phoenix Rising.
Nakalaan ang added prize na P10,000 para sa mananalong 3-year-old horse lamang.
Samantala, inilampaso ni Elegant Lady ang mga nakatunggali matapos manalo sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na inilarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite, Biyernes ng gabi.
Kumaripas sa largahan si Eazacky pero hindi siya masyadong pinalayo ni Elegant Lady na binuntutan agad ito. Nagbalak na makalayo si Eazacky sa far turn pero hindi ito hinayaan ni Elegant Lady na sinakyan ni class A rider Rodeo Fernandez.
Lumapit si Elegant Lady sa rektahan at saka kinuha ang unahan sa huling 150 metro ng laban upang manalo ng may tatlong kabayong agwat sa pumangalawang Eazacky.
Nirehistro ni Elegant Lady ang 1:32 minuto sa 1,400 meter race sapat upang masilo ng horse owner na si Felizardo Sevilla ang added prize na P10,000 sa pagkakapanalo ni Elegant Lady.
Tumersero si Carried Away habang pang-apat na tumawid sa meta si Mainlander.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1. Chase The Gold (2), Speed Wonder (4)
Race 2. Ambisioso (6), Rhaegal (7), Jersy Crown (8)
Race 3. Lady Goldie (6), El Lider Maximo (2), Izzy Does It (5)
Race 4. Thy Will (4), Jade's Treasure (9), Red Hawk (1)
Race 5. Sweetness (3), Pilya (5)
Race 6. Our Secret (5), Iron Hook (6), Golden Buzzer (7)
Race 7. Munich/Old Timer (7/7A), Aphrodite (2), Batang Madrid (10)
Race 8. Bonifacio (5), Imperium (6), Polloc Island (8)
Patok - Chase The Gold
Pandehado - Bonifacio





Comments