top of page
TEKA NGA - KIM, BIGLANG INIWAN ANG CAREER SA ‘PINAS PARA TUMIRA SA CANADA_IG _chinitaprinc

CHARLIE, UMAMING FALSE ALARM LANG NA BUNTIS KAY CARLO

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
4 min read

by Janiz Navida @Showbiz Special | October 12, 2026



SHOWBIZ SPECIAL - CHARLIE, HANDA NANG MAG-BABY, ‘DI PA RIN NABUBUNTIS NI CARLO_IG _charliedizon_

Photo: IG _charliedizon_son



Hindi pa raw talaga buntis si Charlie Dizon at personal naming na-witness ito nang makita namin siya sa launching ng Kutis Reveal reality show ni Dr. Kei George Rebolledo na mapapanood sa Bilyonaryo Channel simula sa Sabado, Oct. 17, 10:30 AM.


Brand ambassador ng Kutis By Kei Skin Clinic ni Dr. Kei si Charlie, gayundin ang guwapong aktor na si McCoy de Leon, kaya dumating ang dalawa sa launching para personal na suportahan ang celebrity dermatologist.


Agad naming napansin na pumayat at sumeksi si Charlie, malayo sa nag-viral na photo ng aktres few months ago na mukhang may baby bump, kaya nga may mga nag-isip na buntis na ang misis ni Carlo Aquino.


Sabi ni Charlie, siguro raw ay marami lang talagang nae-excite para sa kanila ni Carlo na magkaroon na ng sarili nilang anak, pero sa ngayon daw, wala pa talaga at hindi naman niya itatago sakaling mabuntis siya.


Handa raw silang pareho anytime na ibigay ni Lord ang kanilang baby, pero sa ngayon, kung ano raw ‘yung mga dumarating, du’n lang muna sila naka-focus.


Thankful siya na sa kabila ng krisis sa industriya, tuluy-tuloy ang mga projects nila ni Carlo at pareho pa rin silang in demand sa mga TV and movie projects at maging sa endorsements.


Heto nga, few months ago lang pala naging ambassador ng Kutis By Kei si Charlie, pero tuwang-tuwa siya na very effective raw ‘yung services na ginagawa sa kanya sa skin clinic ni Dr. Kei.


Kaya naman, suportado ni Charlie ang bagong 13-episode reality show ni Dr. Kei sa Bilyonaryo Channel, ang Kutis Reveal, kung saan 12 ordinaryong Pinoy nga na may seryosong skin problems ang mabibiyayaan ng free treatment mula sa Kutis By Kei at ipi-feature ang kanilang skin treatment journey sa show na eere na simula sa Oct. 17, 10 AM.





Naka-7 gold medals sa WCOPA, pambato ngayon sa Eurovision Asia… CARMELLE, 3 YRS. OLD PA LANG, BUMIBIRIT NA NG ONE MOMENT IN TIME



  • Carmelle Collado - IG


TWO years old pa lang pala nang unang matutong mag-humming ang ex-PBB housemate at ngayon ay pambato sa Eurovision Asia sa Bangkok sa November 14 na si Carmelle Collado. At sa edad na 3 ay nakakanta na niya nang buo ang One Moment in Time ni Whitney Houston!


Sa ginanap na Spotlight mediacon kamakailan ng Star Magic, ang talent management ni Carmelle, nakapanayam namin ang singer na super-bilis nang magsalita, parang hindi pa nauubusan ng kuwento.


Bungad niyang chika, “Nakuha ko rin po ‘yung pagkanta ko po sa mother side ko. Kasi naaalala ko po, ‘yung mom ko po, ang almusal daw niya nu’ng ipinagbubuntis niya ako, karaoke po. Kanta siya nang kanta.”


At ang mga singers na pinakikinggan ng mom niya ay ang Pussycat Dolls, Spice Girls at sina Regine Velasquez and Sarah Geronimo.


Samantala, ang lola rin daw niya ay nakalaban naman noon ni the late Superstar Nora Aunor sa amateur singing contest sa Iriga, Bicol.


At the age of 12, ang unang singing competition na sinalihan ni Carmelle ay World Championship of Performing Arts (WCOPA) at naging sunud-sunod na ang pagsali niya sa The Voice, Tawag ng Tanghalan, PBB at ngayon nga ay sa Eurovision.


Seven gold medals and 7 plaques ang nakuha ni Carmelle sa WCOPA para sa 7 different genres na sinalihan niya. May nakuha rin daw siyang scholarship pero tinanggihan niya dahil hindi pa siya handang iwan noon ang kanyang pamilya rito sa ‘Pinas para abroad mag-aral.


Sa ngayon ay first year college si Carmelle taking up Psychology. Tourism daw ang first course niya pero dahil pumasok siya sa PBB house, na-drop ‘yung isang subject niya at binigyan siya ng “5” na grade dahil nag-stay na nga siya sa loob ng Bahay ni Kuya.


Nineteen years old na ngayon si Carmelle at bagama’t na-in love na raw, NBSB (no boyfriend since birth) pa. Although, very vocal siyang kilig na kilig kina Richard Yap a.k.a. “Sir Chief”, Joseph Marco at Chris Evans.


Bakit mas gusto niya ‘yung older sa kanya?

“Nagkaka-crush kasi ako ate sa wala akong pag-asa. Siyempre, matanda na ‘yun, ate, alangan namang i-crush back ako ng mga ‘yun. Para ko na ‘yung tatay, ate,” kilig-kiligang sabi ni Carmelle na sinundan pa ng “Joseph Marco, you’re the best, saka si Sir Chief talaga.”

Pero sa ngayon daw, bata pa naman siya kaya hindi niya priority ang love life. Gusto muna niyang mag-focus sa nalalapit na laban niya sa Eurovision Asia sa Bangkok sa Nov. 14 dahil gusto niyang maging proud ang mga kapwa Pilipino para sa kanya.


Aminado si Carmelle na may pressure sa kanya pero mas pinipili niyang pagtuunan ng pansin ang buong experience at ang malaking oportunidad na ito.


“Of course po, kasi sabi ko nga, when you represent the country, it’s a huge responsibility. Eurovision is pang-worldwide and global audience po talaga ‘yung nanonood, so grabe po talaga ‘yung pressure. But at the same time, ako po, nagpo-focus din po ako sa kung ano po ‘yung mga opportunities na puwedeng mangyari sa buhay ko — win or lose po,” pagbabahagi ni Carmelle.


Kaya, guys, support natin si Carmelle sa kanyang nalalapit na laban sa Eurovision Asia. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page