Champion horses, may larga sa Chairman's Cup
- BULGAR

- Apr 23, 2022
- 2 min read
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | April 23, 2022
Isa sa pinakaaabangan ng mga karerista sa susunod na buwan ay ang paghaharap muli ng mga champion horses sa 2022 PHILRACOM "Chairman's Cup" na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.
Kabilang sa mga nominadong kalahok para sa Mayo 8 na malaking karera ay sina Boss Emong ang kampeon sa katatapos na 2022 Philracom Road to Chairman's Cup at 2022 Philracom Classic Cup ruler Super Swerte. May distansiyang 2,000 meter race, nakatokang hinete kay Boss Emong na pag-aari ni Edward Vincent Diokno ay si star jockey Jeffrill Tagulao Zarate, habang kay Super Swerte na pambato ni Sandy Javier, Jr. ay si Jessie Basilio Guce.
Ang ibang nagsaad ng pagsali sa karerang may P2.5M guaranteed prize ay sina 2020 Presidential Gold Cup champion Pangalusian Island, Big Lagoon at Isla Puting bato.
Hahamigin ng unang kabayong tatawid sa meta ang premyong P1.5M sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni Chairman Reli De Leon.
Hindi uuwing luhaan ang second placer dahil tumataginting din na P562,500 ang masusungkit, P312,500 naman ang sa third, habang P125,000 ang makakamit ng 4th.
Maliban sa nasabing stakes race, pakakawalan din sa nasabing petsa ang Chairman's Cup Division II at III kung saan ay mga tigasing kabayo rin ang maglalaban-laban.
Samantala, may pitong karera ang pakakawalan ngayong araw ng Sabado sa Metro Turf at tiyak na malaking suporta ang ibibigay ng mga liyamadista kay Amor Mi Amor na lalaban sa 3-Year-Old & Above Maiden race. Makakatagisan ng bilis ni Amor Mi Amor sa distansiyang 1,400 meter race ay sina Make A Difference, Created, Lady Susan at Swagger.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1. Greatest Love (2), Caraga Wonder (4), Narrative (7)
Race 2. Amor Mi Amor (1), Swagger (5)
Race 3. Jean Genie (6), Matukad Island (1), Full Payment (7)
Race 4. Spunk Attack (5), Pass Your Papers (4)
Race 5. American Factor (5), Full Stream (6)
Race 6. Kawawang Cowboy (4), My Dear Magnolia (2)
Race 7. Cinderella King (3), Color Blast/Triple Track (1/1A), Jacqueline (6)




Comments