Challenge raw na gagawa ng sariling kuwento… COCO, BAWAL NANG GAWING SERYE ANG MGA PELIKULA NI FPJ
- BULGAR

- 6 hours ago
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | February 25, 2026

Photo: Coco Martin / Instagram
Timing ang pagkakapanalo ni Coco Martin bilang Best Drama Actor para sa kanyang performance sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ) mula sa Philippine Arts, Film & Television Awards (PAFTA) kasabay ng announcement ng aktor sa nalalapit na pagtatapos ng kanyang aksiyon-serye.
“Oo nga, eh,” bungad ni Coco nu’ng makausap ng press sa labas ng Centennial Hall sa Manila Hotel.
“Alam mo, sabi ko nga, sobrang hirap talaga. Pinaghihirapan namin lahat ng ginagawa namin sa Batang Quiapo, lalung-lalo na ang pagganap ko. Dahil gusto namin na masulit ang ibinibigay na oras ng lahat ng mga Pilipino. At bilang pasasalamat sa lahat ng suportang ibinigay nila mula sa Ang Probinsyano hanggang sa Batang Quiapo,” lahad ni Coco.
Todong aksiyon at drama raw ang asahan sa natitirang ilang episodes ng BQ.
“Unpredictable,” diin ni Coco.
Paliwanag niya, “Gaya nu’ng paano namin tinapos ang Ang Probinsyano dati, ibang experience ang ipapanood namin sa mga viewers. Para masulit ‘yung tatlong taon na suporta nila sa programa namin.”
Wala raw bitawan sa panonood sa mga huling episodes. Pero siyempre, may lungkot na hatid para sa cast ang ending ng BQ. Ganoon daw talaga, may pagtatapos at may simula.
“Ah, kasi po nasa GMA na ang FPJ films, natapos na ang kontrata sa ABS-CBN. Kaya nasabi ko ito na siguro ang time na gumawa ako ng sariling kuwento ko naman. Na ako mismo ang naglikha mula simula hanggang sa dulo,” paliwanag ni Coco.
It’s definitely a new challenge for him, ayon sa aktor-direktor.
Anyway, winner din ang FPJ’s Batang Quiapo show ni Coco Martin sa 1st PAFTA Awards bilang Best Drama Series.
Bongga!
Mataba sa piktyur na kasama si Ricci…
ANAK NI GOMA NA SI JULIANA, PINAGHIHINALAANG BUNTIS
KUMAKALAT sa socmed (social media) ang picture nina Juliana Gomez at Ricci Rivero na magkasamang kumakain sa isang resto sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig.
Walang masama kung makita silang magkasama na kumakain sa public place dahil hindi na nila itinatago ang kanilang relasyon.
Ang kalurks (nakakaloka) lang ay ang sinasabi ng mga netizens sa comment section ng mga naka-post nilang picture.
Gaya na lang ng pagdududa ng ilang netizens na buntis si Juliana.
Sey ng mga Marites:
“Parang buntis.”
“Akala ko, ako lang nag-isip. Hahaha!”
“Sus, kung tumaba pala, buntis agad?” pagkontra naman ng isa.
“Alam mo naman, dami mga husgador. Single mga ‘yan. Buhay nila ‘yan.”
Pati paglalaba ng damit ni Ricci ay naging topic din ng mga intrigerang netizens.
“Nakahanap na naman ng tagalaba.”
“Baka ikaw gawin tagalaba. One and only child, gawin mong tagalaba? Mayaman at haciendera.”
“Si (Juliana) Gomez? Classy ‘yan. I’m sure mahihiya si boy.”
“Kahit anong classy mo sa buhay, kung dugyot kasama mo, mapipilitan ka talagang gumalaw nang kusa.”
Talaga ba?




Comments