Alfonso Siklab, kampeon sa MPPT Leg 3 sa Imus City

by MC @Sports News | November 10, 2026

Photo: Circulated
Nagkampeon ang Alfonso Siklab sa Maharlika Pilipinas Pickleball Tournament - 3rd Leg na idinaos sa Melmac Sports, Imus City, Sabado ng gabi.
Binubuo ang koponan nina Red Directo, PickleBear, Karyll Salas, Alkesa, Meds, Mr. Erne, Mrs. Bear, Cindy Nuguit, Al Quiza, Melendez Hizen Noble at Dania Lee Abjuela.
Ang Titans at Siklab ang siyang nagtuos sa championship match. Unang lumusot sa semifinals ang Parañaque at Alfonso Siklab, maging ang Tacloban.
Kinatampukan ang torneo ng 12 koponan na hinati sa dalawang grupo, kung saan ang two-leg champion na Parañaque Titans ang nangunguna sa standings na may 193 puntos. Unang pumasok sa quarterfinals ang Abra River Paddlers, Rizal Illustrados, GenSan Punchers, Tacloban Aces, Parañaque Titans, Bacoor Strikers, Alfonso Siklab at Bangued Maki maging ang Tacloban Aces at Rizal.
Ang Titans ay nasa Group B kasama ang Rizal Ilustrados (3rd, 116 puntos), Pampanga Chiefs (10th, 48 puntos), Alfonso Siklab (6th, 95 puntos), Camarines Norte Golden Hawks (12th, 48 puntos), at GenSan Punchers (5th, 100 puntos).
Samantala, sa Group A magkakalaban ang Tacloban Aces (4th, 107 puntos), Bangued Miki (8th, 64 puntos), Bacoor Strikers (9th, 48 puntos), Abra River Paddlers (2ndm, 131 puntos), Muntinlupa Smashers (11th, 40 puntos), at Batangas Bangers (7th, 68 puntos).
Nagsimula ang torneo noong Sabado ng 8 a.m. at nagtatapos sa knockout playoffs ng Linggo. Opisyal na tagasuporta ng Alfonso Siklab ang BULGAR.





Comments