SBU Red Lions at Letran Knights pasok na sa NCAA q'finals

ni Anthony Servinio @Sports | November 11, 2026

Photo: NCAA Season 102 Men's Basketball sa FilOil Centre
Laro sa Huwebes - FilOil
3 PM Mapua* vs. Lyceum
5 PM Perpetual* vs. SSC-R
* Play-In twice-to-beat
Nanigurado ang defending champion San Beda Red Lions at gumanti sa Saint Benilde Blazers, 82-69, sa huling laro ng elimination ng NCAA Season 102 Men's Basketball sa FilOil Centre. Papasok ang SBU sa quarterfinals na numero uno sa Grupo A at buong liga sa 10-3 na puntiryang umulit ng kampeonato.
Nagsilbing panggulat ni Coach Yuri Escueta si rookie Andrei Ugaddan na bumanat ng 15 para itulak ang Red Lions sa wakas ng pangalawang quarter, 48-30. Hindi napigil ang arangkada ng SBU at inalagaan nila ng mabuti ang lamang.
Matapos ng kanyang mainit na simula ay tatlo na lang ang ginawa ni Ugaddan para sa 18 ngunit sapat na iyan para mahirang na Best Player.
Nagkataon na ang unang laro ng torneo ay ang 77-68 panalo ng Blazers sa SBU noong Setyembre 13 sa MOA Arena. Nanguna sa CSB sina Justine Sanchez na may 15, Jhomel Ancheta na may 11 at Ian Torres na may 10.
Mahahanay sa Red Lions sa quarterfinals ang aahon sa play-in ng Perpetual Altas at walang panalong San Sebastian Stags sa Huwebes.
Sa unang laro, bumira ng 3-points si Johnsherick Estrada sa huling 3 segundo upang ipanalo ang Letran sa Perpetual, 85-83 at pumasok na rin sa quarterfinals.





Comments