top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

CEO ng PITC ang ipinalit kay Patrick… ARA, TANGGAP NG BAGONG BF KAHIT MAY ANAK NA

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 17, 2020
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 17, 2020




Masaya ang love life ngayon ni Ara Mina dahil may bago siyang karelasyon sa katauhan ng businessman at Phil. International Trading Corporation president and CEO na si Dave Almarinez.


Two years daw na nanligaw kay Ara ang guy bago niya sinagot. At tinanggap ni Dave ang anak ni Ara kay Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.


Mabait at malawak ang pang-unawa ng bagong BF ni Ara Mina at naipakilala na niya ito sa kanyang parents at mga kapatid.


May anak din sa una niyang karelasyon si Dave Almarinez. Ulila na siyang lubos at dalawa lang silang magkapatid ng kanyang ate na isang doktora na nasa ibang bansa ngayon.


Pabor naman ang malalapit na kaibigan ni Ara Mina sa BF niya. Deserve raw ng aktres ang muling umibig at maging maligaya pagkatapos ng breakup nila ni Mayor Patrick Meneses.


At dumating sa tamang panahon ang lalaking karapat-dapat sa kanyang pagmamahal!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page