top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Celtics, Bucks at Nuggets, umalagwa

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 11, 2023
2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | January 11, 2023





Pumasa sa isa pang pagsubok ang numero unong Boston Celtics at napigil nilang ang huling banta ng bisitang Chicago Bulls, 107-99, sa tampok na laro sa NBA kahapon sa TD Garden. Hindi nagpahuli ang humahabol na Milwaukee Bucks at tinalo ang New York Knicks, 111-107.


Sinayang ng Boston ang 79-63 lamang sa third quarter at nakalapit ang Chicago, 99-101, at 1:17 nalalabi sa 4th quarter. Biglang bumomba ng tres si sentro Al Horford na sinundan ng 3-point play ni Jayson Tatum upang itakda ang huling iskor, 107-99, at 12 segundo sa orasan.


Nagtapos na may 32 puntos si Tatum habang 20 puntos si reserba Grant Williams.


Tatlong sunod na panalo na ang Boston para patibayin ang hawak sa liderato ng buong NBA na 29-12.


Kabaligtaran ang kuwento ng Bucks at sila ang humabol mula sa 53-70 sa third quarter.


Kinailangan ng Milwaukee ang apat na free throw nina Jrue Holiday at Grayson Allen sa huling 8 segundo upang umakyat sa 26-14.



Ipinasok ni Giannis Antetokounmpo ang 13 ng 22 puntos sa second half na may kasamang 10 rebound. Sinuportahan siya nina Brook Lopez at Joe Ingles na parehong may 17.


Sa Western Conference, tabla pa rin sa taas ang Denver Nuggets at Memphis Grizzlies sa 27-13 matapos ang hiwalay na tagumpay. Binigo ng Nuggets ang Los Angeles Lakers, 122-109, at Grizzlies kontra San Antonio Spurs, 121-113.


Kinuha ng Denver ang pagkakataon na wala si LeBron James at sa first quarter lang nakasabay ang Lakers. Tumira ng limang tres si Jamal Murray para sa 34 puntos at triple double muli si MVP Nikola Jokic na 14 puntos, 11 rebound at 16 assist.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page