top of page
Search
  • BULGAR

Cellular network, itatayo sa buwan

ni Thea Janica Teh | October 20, 2020




Inanunsiyo nitong Lunes ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) na napili nila ang Nokia sa paggawa ng kauna-unahang cellular network na magagamit sa buwan.


Hinahangad ng NASA na may makarating na tao muli sa buwan sa 2024 at magtagal sa ilalim ng kanilang Artemis Program.


Ayon sa Nokia, gagawin nila ang kauna-unahang wireless broadband communication system sa space sa lunar surface bago matapos ang taong 2022.


Makikipagtulungan ang kumpanya sa Texas-based space craft design company na Intuitive Machine upang mai-deliver ang mga kailangang gamit sa buwan.


Sa proyektong ito, mas madali na ang komunikasyon sa mga astronaut. Maririnig dito ang kanilang boses at maaari pang mag-video. Kaya rin nitong makapagpagalaw ng ilang robotic devices.


Inaasahan na makagagawa ang Nokia ng 4G/LTE communication system sa buwan na ginagamit na sa ngayon sa buong mundo.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page