CCTV footage ng barilan, ayaw ibigay ng Senado — Boying... Aplasca: Video ng Senate shooting, nasa PNP na
- BULGAR

- 5 hours ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | May 17, 2026

Photo: File / Circulated / Senate
Pinabulaanan ng Office of the Senate Sergeant-at-Arms (OSAA) ang mga kumakalat na pahayag online na walang CCTV footage sa lugar kung saan nangyari ang barilan sa Senado noong Mayo 13.
Sa inilabas na opisyal na pahayag na pirmado ni acting Sergeant-at-Arms Mao Aplasca, sinabing “fully operational” ang kanilang CCTV system nu’ng mangyari ang insidente.
Kinumpirma rin ng tanggapan na naibigay na sa Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang mga kopya ng CCTV footage bilang bahagi ng nagpapatuloy na imbestigasyon.
Samantala, tumanggi umano ang liderato ng Senado na magbigay ng kopya ng CCTV footage kaugnay ng nangyaring barilan sa pagitan ng mga tauhan ng Office of the Senate Sergeant-at-Arms at National Bureau of Investigation.
Ito ang sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla sa kanyang pulong balitaan kahapon.
Ayon kay Remulla, nagpadala na sila ng subpoena sa Senado para sana hilingin na makakuha ng kopya ng CCTV footages sa nangyaring barilan ng magkabilang panig subalit tinanggihan umano ito.
Giit ni Remulla na inilabas niya ang subpoena bilang bahagi ng imbestigasyon sa naturang insidente.
Bukod sa footage ng Senado, hihingin din umano ng kanyang tanggapan ang mga video footage ng mga mamamahayag na nag-cover sa pangyayari.
“We have a problem with this. The Senate did not want to accept our process server but there was already a notice,” ani Remulla.





Comments