top of page

CCS at Gazz, tatapusin na o F2 at Hitters, babawi pa?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 21, 2023
  • 2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | March 21, 2023



Mga Laro Ngayon: Game 2: best of-three semifinals

(MOA Arena, Pasay City)


4:00 n.h. – PLDT High Speed Hitters vs Petro Gazz Angels

6:30 n.g. – Creamline Cool Smashers vs F2 Logistics Cargo Movers


Parehong pupuntiryahin ng Creamline Cool Smashers at Petro Gazz Angels ang maisakatuparang tuldukan ang kani-kanilang asignatura sa semis sa pakikipagharap kontra sa nanganganib mahulog na F2 Logistics Cargo Movers at PLDT High Speed Hitters sa Game 2 ng bakbakan ng best-of-three serye ng 2023 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.


Kinakailangang bantayan at iwasan ng Creamline Cool Smashers ang mga nailikhang errors sa unang pagtutuos sa semis kontra Cargo Movers na pangunahing napansin ng beteranong si Michelle Gumabao na isang hakbang na lang patungong Finals. Naging malaking sandalan ng Cool Smashers ang 30-anyos na turn-beauty queen volleybelle upang ibigay sa Creamline ang pambawing panalo kasunod ng five-setter pagkabigo sa eliminasyon.


Lumikha ang dating DLSU Lady spikers ng kabuuang 21 puntos mula sa 20 atake at isang block para segundahan ang mainit na laro ni back-to-back conference MVP Diana Mae “Tots” Carlos na kumana ng ng triple-double mula sa 22 puntos sa lahat ng atake.


I think we need to work on our errors, first and foremost, especially on our serves, so that concept that we had 11 errors, talagang medyo masakit yun para sa amin, so kailangang mas tumatatag kami as the game goes by, we have to work on ourselves starting with practice, with training and we have to keep working hard talaga,” wika ng 5-foot-9 opposite hitter patungkol sa kabuuang 29 errors kumpara sa 22 lamang ng Cargo Movers.


Umaasa naman si F2 coach Regine Diego na makababalik sa laro si Myla “Bagyong” Pablo para tulungan ang opensiba ng kanilang koponan matapos magkaroon ng leg cramps at dating injury sa tuhod. Hinihintay ni Diego kung mismong si Pablo ang magsasabing maglalaro na ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page