Cayetano at mga tropa, feeling dramatic actors at actresses, bigyan ng jacket ‘yan!
- BULGAR

- Oct 2, 2020
- 1 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 2, 2020
FEELING DRAMA ACTORS AT ACTRESSES ANG MGA KONGRESISTA—Matapos purihin ni Speaker Alan Cayetano ang kanyang sarili ay makabagbag-damdamin itong nagpahayag ng kanyang pagbibitiw bilang ‘boss’ ng Kongreso para tuparin daw ang term sharing nila ni Marinduque Rep. Alan Lord Velasco, biglang nagsipag-eksena ang kanyang mga kaalyado at makabagbag-damdamin nilang tinutulan ang pagre-resign nito sa puwesto.
‘Yan ang mga kongresista ngayon, feeling dramatic actors and actresses!
O, ano pa ang wait mo, Kuya Wil? Bigyan mo na ng jacket dahil artista na ang mga ‘yan, boom!
◘◘◘
CAYETANO, TUSO AT SAKIM?—Ang naging usapang-lalaki nina Cayetano at Velasco, na pinagitnaan pa ni P-Duterte noon na may kaugnayan sa term-sharing sa pagka-speaker ay dapat irespeto at tuparin ni Cayetano.
Kung hindi ito susundin ni Cayetano, iisipin ng publiko na siya ay tuso at sakim.
Tuso dahil ayaw niyang tuparin napagkasunduan nilang term-sharing ni Velasco at sakim dahil kapit-tuko sa kapangyarihan, period!
◘◘◘
KAHIT SI VELASCO PA ANG MAGING SPEAKER, TULOY PA RIN ANG PORK BARREL—Sa totoo lang, kahit si Velasco na ang maging speaker, hindi rin naman maaalis ang pork barrel ng mga cong..
Magbakasakali na lang ang taumbayan, na sa liderato ni Velasco ay mabalik sa dati, na daang milyong piso lang ang pang-“projects” ng mga cong. sa liderato kasi ni Cayetano ay nakakalula ang pinag-aawayang “pork”, este pang-“projects” ng mga cong. kasi bilyun-bilyong piso na, gayung ang mandato talaga ng mga kongresista ay gumawa ng mga batas para sa kapakanan ng bayan at mamamayan, at hindi magpagawa ng “projects”, boom!





Comments