top of page
Search
BULGAR

Catering services na kinuha para sa SONA, siguradong tiba-tiba

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | July 18, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez


DAHIL KAY SEN. BONG GO NAGING FREE HOSPITALIZATION ANG MGA PUBLIC HOSPITAL AT MAY FREE LABORATORY PANG SUPER HEALTH CENTER -- Hindi nasayang ang boto ng mahigit 20.657 milyong Pinoy na bumoto kay Sen. Bong Go na naglagay sa kanya sa rank 3 sa senatorial election noong May 2019 dahil sinuklian naman niya ito ng mahusay na pagseserbisyo sa mamamayan, kasi nga sa rami ng mga naging senador ng Pilipinas ay siya lang ang nakagawa ng batas na free hospitalization sa mga public hospital na may Malasakit Center at Super Health Center para sa free laboratory ng mamamayan.


Bukod diyan, kahit hindi panahon ng eleksyon ay rumeresponde siya para magbigay tulong sa lugar na nagkaroon ng trahedya tulad ng sunog, baha o lindol.


Epektibong mambabatas si Sen. Bong Go, kaya dapat suklian din ng mamamayan ang mahusay niyang serbisyo sa bayan at sa taumbayan, puwedeng gawin siyang numero 1 senador sa 2025 midterm election, period!


XXX


DIWATA, DAPAT KASUHAN NG ‘OBSTRUCTION OF JUSTICE’ -- May mga video na nagba-viral ngayon sa social media na inaaway at pinipigilan ni Deo Balbuena alyas “Diwata” ang mga traffic enforcer na naniniket sa kanyang mga kostumer na may dalang sasakyan na pumaparada sa “no parking zone” sa tapat ng kanyang paresan.

Dapat gawin ng mga traffic endorser ay sampahan nila ng kasong “obstruction of justice” si Diwata para magtanda kasi mali ang pigilan niya ang mga otoridad na tumutupad sa tungkulin sa paghuli sa mga lumalabag sa batas-trapiko, period!


XXX


DEPT. OF TOURISM, PUMALPAK NA NAMAN -- Pinagtawanan at nabatikos na naman ang Department of Tourism (DOT) sa ilalim ng pamamahala ni Sec. Christina Garcia-Frasco dahil sa palpak na pag-promote nila sa Banaue Rice Terraces, kasi sa halip na sa lalawigan ng Ifugao eh, ang inilagay ay nasa Benguet daw ito.


Sa totoo lang pagtatawanan at mababatikos talaga ang DOT, kasi baka nagkandahilo na ang mga turista sa kahahanap ng Banaue Rice Terraces ay hindi nila makita ito kasi nga wala naman sa Benguet ang munisipalidad ng Banaue na kinaroroonan ng naturang rice terraces, kundi nasa Ifugao ito, boom! 


XXX


CATERING SERVICES NA KINUHA NG MARCOS ADMIN NA MAGPAPAKAIN SA MGA GUEST SA SONA, TIBA-TIBA -- Karaniwan, halos kalahati ang kita ng mga may negosyong catering services.


Kaya ‘yung kinuha ng Marcos admin na catering na mamamahala sa tsibog sa mga guest sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) sa Kamara sa July 22, 2024, tiba-tiba ‘yun kasi sa budget na P20 milyon para sa foods and drinks, tumataginting na P10 milyon ang kita sa isang araw sa SONA ng Pangulo, wow!

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page