Catanduanes, Signal No. 1 dahil kay “Rosal” – PAGASA
ni Lolet Abania | December 10, 2022

Lumakas pa at isa nang tropical depression ang Low Pressure Area (LPA) na namataan sa silangan ng Juban, Sorsogon, ng alas-8:00 ng umaga ngayong Sabado, habang pinangalanan itong “Rosal,” ayon sa PAGASA.
Sa kanilang 11AM update, itinaas na ng PAGASA sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ang mga sumusunod na lugar sa Luzon dahil sa Tropical Depression Rosal:
• Catanduanes
• eastern portion ng Camarines Sur (Caramoan, Presentacion, Garchitorena, Lagonoy, San Jose, Tigaon, Sagñay)
• eastern portion ng Albay (City of Tabaco, Bacacay, Rapu-Rapu, Malilipot, Malinao, Tiwi)
Sa ilalim ng TCWS No. 1, maaaring asahan ang bugso ng hangin na 39-61 km/h sa tinatayang 36 oras o intermittent rains ang posibleng asahan sa loob ng 36 oras.
Ayon sa PAGASA, “Moderate to heavy with at times intense rains will thus be possible over the Bicol Region and Quezon, moderate to heavy rains will be possible over Mimaropa and Western Visayas, and light to moderate with at times heavy rains likely over Aurora and the rest of Calabarzon and Visayas.”
“A marine gale warning is in effect over the seaboards of Northern Luzon under the influence of the surge of the Northeast Monsoon,” dagdag ng state weather bureau.
Ang Tropical Depression Rosal ay na-forecast na hihina o mag-decelerate habang kumikilos ito sa kabuuan ng northward sa susunod na 12 oras bago tumungo ng north northeastward o northeastward para sa natitirang forecast period.
Base sa lahat ng kanilang available data, ayon pa sa PAGASA, tinatayang ang sentro ng Bagyong Rosal ay nasa layong 110 km north northeast ng Virac, Catanduanes o 315 km east ng Infanta, Quezon (14.5 °N, 124.6 °E).
Habang kumikilos ito northwestward ng 20 km/h, na may maximum sustained winds ng 45 km/h malapit sa sentro at gustiness na aabot hanggang 55 km/h.





Comments