top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Cat Bell, nakalusot sumikwat ng panalo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 10, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | July 10, 2023


Nakakita ng magandang daraanan si Cat Bell kaya nasikwat ang panalo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas, Sabado ng hapon.


Nasilayan ng mga karerista ang husay ni Cat Bell sa rematehan nang lumabas lang ito na pang-lima sa aparato habang nagbabanatan sa unahan ang matutulin sa largahan na sina King Hans, Ambisioso at Fortissimo.


Umabot ang bakbakan sa farturn at doon ay unti-unti nang lumalapit sa unahan si Cat Bell kaya naman sa home turn ay halos nakakapit na ang winning horse na si Ambisioso na tangan na ang bandera.


Swak sa balya si Cat Bell dahil nagbukahan ang mga kalaban nito.


Idinaan ni Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez sa balya si Cat Bell at dahil walang sagabal ay nakaungos ang winning horse kay Ambisioso sa huling 100 metro ng laban.


Inilista ni Cat Bell ang tiyempong 1:40.6 minuto sa 1,600 meter race sapat upang hamigin ang P10,000 na karagdagang premyo.


Dalawang kabayo ang lamang ni Cat Bell sa pumangalawa na Ambisioso, tersero ang King Hans habang pang-apat ang Fortissimo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Nasa bakuran ng Bell Racing Stable na pag-aari ni Elmer De Leon ang Cat Bell kung saan si Donny Sordan ang trainer.


Samantala, walong races ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) noong Sabado ng hapon kaya naging masaya ang mga karerista sa kanilang pananaya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page