Cashier, 3 pump attendants huli sa ilegal na bentahan ng petrolyo

ni Mervin Reyes @News | October 12, 2026

Photo: Circulated / PNP
Apat na lalaki ang inaresto habang nasamsam ang mga produktong petrolyo na nagkakahalaga ng P879,000 sa operasyon laban sa ilegal na pagbebenta at pamamahagi ng langis sa Magalang, Pampanga, noong Oktubre 9.
Ayon sa Police Regional Office 3, isinagawa ng Regional Special Operations Group ng Regional Intelligence Division 3, katuwang ang Pampanga at Magalang police, ang operasyon sa isang gasoline station sa kahabaan ng Ninoy Aquino Road alas-3 ng hapon.
Kabilang sa mga naaresto ang cashier at tatlong pump attendant ng gasolinahan na umano’y nahuling nagbebenta ng produktong petrolyo nang walang kaukulang pahintulot mula sa Department of Energy (DOE).





Comments