top of page

Cash out, bigas in sa 4Ps

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 15, 2024
  • 1 min read

@Editorial | Pebrero 15, 2024


Pinag-aaralan ng gobyerno ang mungkahi na bigas ang ibigay sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa halip na pera. 


Ayon sa isang opisyal ng Department of Agriculture (DA), maaaring makatulong na maibaba ang inflation rate sa bigas kung ito na lang umano ang ibibigay sa mga benepisyaryo.


Sa pamamagitan umano ng pag-convert ng cash sa bigas mula sa National Food Authority (NFA), hindi na bibili pa ng bigas sa palengke o sa mas mahal na pamilihan.


Napag-alaman na nasa 20 porsyento o mahigit 20 milyon ang mga Pinoy na tumatanggap ng 4Ps.


Kaya tiyak na marami ang magbibigay ng reaksyon sa panukalang ito.


Ngayon palang ay may mga nagsasabi nang palpak ang hirit dahil magiging lantad lang umano sa korupsiyon ang budget sa 4Ps. 


May pangamba rin na baka bigas na halos ‘di makain ang ibigay.


Kaya sa palagay natin, marami pa rin ang magsasabing mas okay ang pera dahil malinaw ang halagang matatanggap, magagawan pa ng diskarte na ‘di lang bigas ang mabili kundi pati na rin ulam kahit paano.


Tama na pag-aralan munang mabuti kung ang pamimigay ng bigas kesa cash ay mas makakatulong sa mga benepisyaryo.


Kung gusto nating mapabuti ang kalagayan ng ating mga kababayan na higit na nangangailangan, ibigay natin ang pinakamainam na tulong para sa kanila upang tuluyang makatawid sa kahirapan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page