Cash gifts, ibinigay sa mga senior below 100 yrs. old – San Juan gov’t
ni Lolet Abania | November 23, 2022

Sinimulan na ng San Juan City ang pagpapahagi ng cash sa mga senior citizens na mas bata ng 100 taong gulang.
Sa report ng GMA News, kamakailan ang local government unit (LGU) ay nagpasa ng isang ordinance para sa pag-apruba ng karagdagang cash grants sa mga nakatatandang mamamayan ng lungsod.
Ang mga indibidwal na edad 70 ay nakatanggap ng P3,000; para sa mga 80-anyos, P5,000; at sa mga 90 taong gulang ay P8,000.
Batay sa Republic Act 10868 o ang “Centenarians Act”, “entitles all Filipinos who reach 100 years old whether living in the country or abroad to a ‘centenarian gift’ worth P100,000 and a letter of felicitation from the President.”

“’Pag inabot ka na ng 100 at saka ka lang magkakaroon. ‘Pag 100, bangenge ka na. Hindi ka na makakilala, pag-aagawan pa ng pamilya mo ‘yung P100,000,” pahayag ni San Juan City Councilor Rolando Bernardo.
Ibubukod naman ng LGU ang cash grants para sa centenarians na hiwalay sa incentive na mandato ng batas.
“’Yung P50,000 galing ‘yan sa local government. Hiwalay ‘yung P100,000 naman from the national government,” saad ni San Juan City Mayor Francis Zamora.
Labis naman ang pasalamat ng mga benepisyaryo para sa financial grant na ibinigay ng lokal na gobyerno.
“Nagmahal ang bilihin. Bayarin. Pati gamot namin. Mahal na gamot namin. Doktor mahal na rin,” sabi ng ni Lolo Juanito Terrencio, residente ng lugar.





Comments