top of page

Cash gift, iba pang ayuda sa matatanda, ibigay agad

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 1 min read

by Info @Editorial | February 10, 2026



Editoryal, Editorial


Hindi dapat inaabot nang taon ang pagbibigay ng tulong sa mga senior citizen—lalo na sa mga umabot na sa edad na 100. 


Ang naantalang cash gift sa mga centenarian ay patunay ng kapabayaan sa implementasyon ng batas na para mismo sa kanila.


May umiiral na batas. May pondo. May mga benepisyaryong buhay pa at naghihintay. Pero bakit hindi agad naibibigay ang ayuda? Ang hirit na “paglipat ng ahensya” o


“inaayos pa ang sistema” ay hindi sapat. Para sa mga nakatatanda, oras ang pinaka-kulang na yaman—at bawat araw ng delay ay kawalan ng pagkakataong makinabang sila sa tulong na nararapat sa kanila.


Hindi luho ang cash gift o anumang ayuda. Para sa maraming senior citizen, ito ay pambili ng gamot, pagkain, at pang-araw-araw na pangangailangan. Kapag ito’y naantala, ang direktang tinatamaan ay ang kanilang kalusugan.


Responsibilidad ng gobyerno na tiyaking mabilis, malinaw at simple ang proseso. 

Hindi na dapat pinapahirapan pa ang mga matatanda sa dokumento, pila, at paulit-ulit na beripikasyon. 


Kung kaya ng gobyerno na magpatupad ng digital systems para sa tax at eleksyon, dapat ay mas kaya nitong pabilisin ang tulong para sa senior citizens.

Ayusin ang sistema. Ibigay agad ang ayuda.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page