Cash bonus para sa Asian Games winners, inihahanda na

ni Angela Fernando (JT) @Sports | October 11, 2023

Inihahanda na ang cash incentives para sa mga atletang nag-uwi ng medalya sa 19th Asian Games na ginanap sa Hangzhou, China.
Tatanggap ng mahigit kumulang P2 milyon ang mga nakapag-uwi ng gintong medalya, P1 milyon naman para sa mga nakasungkit ng silver at P400,000 sa bronze medalist. Ito ay nakasaad sa Republic Act No. 10699 na kilala sa tawag na ‘National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.’
Ilan sa mga nangunguna sa listahan para sa maagang aginaldo ay ang atletang si John 'EJ Obiena at sina Meggie Ochoa, Annie Ramirez na lumaban sa ju-jitsu, at ang nakapag-uwi ng gintong medalya sa basketball, ang Gilas Pilipinas.
Ang team ng Pilipinas ay humakot ng apat na ginto, dalawang pilak at 12 na tansong medalya.





Comments