top of page
Search
  • BULGAR

Cash assistance sa graduating students, fake news, ingat!

@Editorial | May 8, 2024



Editorial


May kumakalat na namang fake news tungkol sa cash assistance para sa mga graduating student. Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na hindi umano totoo ang ikinakalat na DepEd cash assistance para sa mga estudyante.


Nakasaad kasi sa isang fake post na DepEd Cash Assistance 2024-2025 ang anunsyo na makakatanggap ng P8K cash assistance ang lahat ng graduating students.


Bukod sa college students, makakakuha rin umano ang mga senior high, high school, at elementary students basta magsumite lamang ng requirements.


Agad itong pinabulaanan ng DepEd at nagpaalala sa publiko na manatiling mapagbantay laban sa mga maling impormasyon.


Sa halip, bisitahin na lamang sa official platforms ng DepEd ang kanilang mga official announcements upang makasiguro na lehitimo ang mga impormasyong ating makukuha.


Marami namang paraan para makasiguro na hindi fake news ang nababasa natin, lalo na sa social media. Matuto sana tayo na kilalanin ang mga page o account ng opisyal o ahensya ng gobyerno. Mayroon ding diyaryo, radyo o TV na mapagkukunan natin ng lehitimong balita.


Kaugnay nito, hinikayat ng ahensya ang publiko na i-report ang anumang misleading at mga kahina-hinalang impormasyon tungkol sa basic education sa depedactioncenter@deped.gov.ph.


Sana, masampulan at mapanagot na ang mga taong walang magawa sa buhay kundi magpakalat lang ng maling impormasyon. Maging matalino tayo at ‘wag magpabiktima sa fake news. 

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page