top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Case folder ng mga pulis na may kaso, na-magic?!!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 17, 2024
1 min read

@Editorial | Enero 17, 2024


Nakababahala ang ulat ng pagkawala ng ilang case folder ng mga pulis sa National Capital Region Police Office (NCRPO) na may kinakaharap na kaso.


Ayon pa sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP), posibleng hindi lang sa NCRPO may nawawalang case folder kaya ipinabubusisi na itong maigi sa mga regional director.


Kailangang matingnan ang mga rekord at kung mapatunayang may nag-‘magic’, dapat na managot ang mga sangkot sa pagtatago o nagpabaya sa case folder ng mga pulis na may kaso.


Unahing talupan ang mga nag-iingat ng mga record at ‘pag napatunayang sangkot sa iregularidad, parusahan.Bukod sa nawawalang case folder, nabuking din na pinepeke ang pirma ng NCRPO director.


Kung may ganitong katiwalian sa mismong bakuran ng kapulisan, ano pa ang aasahan nating katapatan at pantay na pagpapatupad ng batas? 


Kaya mahalagang matutukan ang isyung ito para hindi makalusot ang mga pulis na may kaso. 


Dapat ding mapanagot lahat ng sangkot sa ganitong kalokohan.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page