top of page

Carpooling sa EDSA busway, tablado

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 1 min read

by Mai Ancheta @News | January 31, 2026



TIto Sotto

Photo: File / MMDA



Ibinasura ng Department of Transportation (DOTr) ang mungkahing payagan ang carpooling na mga sasakyan na dumaan sa EDSA busway sa harap ng inaasahang matinding traffic dahil sa isinusulong na rehabilitasyon.


Ayon sa DOTr, kapag pinayagan ang mga pribadong sasakyan na dumaan sa EDSA busway ay tiyak na magpapabagal sa takbo ng mga bus.


Ang EDSA busway ay inilaan lamang para sa mga bus kaya hindi dapat na payagang makapasok ang mga pribadong sasakyan.


Ang paggamit ng carpooling sa EDSA busway ay iminungkahi ni Metro Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III bilang solusyon sa matinding traffic sa Metro Manila.


Sinabi ng DOTr na bukas ang ahensya na makipag-usap sa MMDA at sa iba pang ahensya para sa mga ideya na maaaring makatulong upang malutas o kung hindi man ay mabawasan ang problema sa trapiko sa National Capital Region.


Ang carpooling ay ang paggamit ng isang sasakyan sakay ang ilang pasahero upang mabawasan ang paggamit ng maraming pribadong sasakyan sa mga kalsada.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page