top of page

CARLO, OUT SA 3RD B-DAY NG ANAK, SI CHARLIE ANG KASAMA SA BEACH

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 14, 2023
  • 3 min read

ni Maricon Nolasco @MarisPluk | September 14, 2023



Nagtatanungan ang mga netizens kung bakit absent o hindi man lang nakadalo ang actor na si Carlo Aquino sa 3rd birthday celebration ng kanyang anak na babae sa dating live-in partner na si Trina Candaza na isang model-vlogger.


Mistulang si Trina nga lang ang nag-asikaso sa birthday party ng kanilang baby girl ni Carlo na si Enola Mithi noong nakaraang Sabado, September 9.


Pero kahit wala ni ang anino ng aktor sa naturang event, obvious namang naging masaya ang celebration.


Ipinaabot ni Trina ang kanyang pasasalamat sa lahat ng pumunta sa party ng anak nila ni Carlo sa pamamagitan ng isang Instagram post.


Aniya, "Enola Mithi's 3rd birthday. Thank you to everyone who attended Mithi's special day."


Present ang pamilya at mga kaibigan ng model-vlogger sa nasabing celebration.


Nandu'n nga rin sina Ogie Diaz, JC Santos kasama ang kanyang misis na si Shyleena Herrera at anak na si River.


Pero, kahapon nga lang, Miyerkules (September 13) ay ipinost ni Carlo sa kanyang TikTok page ang kuha niyang video clip sa actress girlfriend na si Charlie Dizon.


Makikita sa unang bahagi ng video ang pag-capture ni Carlo sa sunset sa tabing-dagat. Sumunod na nga rito ang paglipat niya ng camera sa GF na si Charlie habang nagtatali ng buhok at nakasuot ng dress.


Base na rin sa post na ito ni Carlo, hindi maipagkakaila at maitatanggi na magkasama sila sa isang beach ni Charlie. Mukha ngang nakahanap ng time ang magdyowa na magbakasyon after ng mga busy schedules nila.


Siyempre, dahil ipinost nga ni Carlo ang tila 'quick escape' nila ni Charlie mula sa magulo at maingay na mundo ng showbiz, it means lang binigyan niya ng license ang mga netizens na ipahayag ang kani-kanilang hanash.


Feeling ng mga nakapanood sa naturang video clip, ang pagpunta raw sa beach ng dalawa ang dahilan kung bakit hindi nakadalo si Carlo sa 3rd birthday celebration ng anak nila ni Trina.


Hirit pa nga ng isang commenter, "'Yung dyowa, may appreciation post. Tapos, nu'ng nag-birthday 'yung anak mo, wala ka? LUH! Kadiri as a human being. Feeling binata, lumalaki nang paurong. YUCK!"


Bukod doon, humirit pa ang ilan na mas inuna raw ni Carlo ang lumandi bago gampanan ang kanyang responsibilidad bilang ama. Obyus daw na 'walking red flag' ang actor kaya kailangan nang magising ni Charlie.


Pinayuhan naman ng iba si Charlie na hangga't maaga pa ay hiwalayan at iwanan na si Carlo dahil sayang daw ang ganda at kabataan niya rito. Ang actor din daw ang dahilan kung bakit biglang naging 'nega' ang imahe niya sa publiko.


Pero kahit na mas maraming pamba-bash na mababasa sa comment section ni Carlo, may bukod-tanging netizen na nagtanggol sa kanya.


Sey nito, "Baka naman kasi bongga 'yung gift niya sa birthday ng anak niya? Malay n'yo, siya 'yung nagbayad sa party, kayo naman."


Pero ang mabilis na pagkontra ng isa, "As if naman! Hahahaha! Style mo, bulok, Carlo. Pwe!


'Yung anak nga niya, 'di niya mai-post. It just goes to show kung ano at sino 'yung priority niya."


Pinuna naman ng iba ang style ni Carlo sa mga nakarelasyon niya before. Super flex din daw ito kay Trina sa mga posts sa social media. Kaya, namnamin na rin daw ni Charlie nang husto ang ipinapakitang sweetness ng actor dahil papalitan din daw siya nito kapag na-bored na sa kanya.


Todo-hinayang naman ang isang commenter sa actress dahil, "Charlie had so much potential, kaso sinayang niya by being associated to this guy na stuck being in his teens when he's actually reaching 40."


Araaaay ko po!!! Wala talagang preno ang bibig ng mga netizens! Mukhang mas alam pa nila ang mga kaganapan kesa sa mga taong involved. Manghuhula ‘yarn?! ‘Kaloka!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page