Carla, gustong makatrabaho sina Marian at Piolo
- BULGAR
- Mar 24, 2024
- 1 min read
ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | March 24, 2024

Umaasa ang aktres na si Carla Abellana na makatrabaho niya sina Marian Rivera at Piolo Pascual.
Sa kanyang pinakabagong YouTube vlog na tampok si Alex Gonzaga, sinagot ng dalawa ang ilang mga tanong para sa kanilang "Truth or Truth" segment.
Isa sa mga tanong na kanilang sinagot ay “Who do you want to work with in the future?”
“Marian Rivera, why not? Bilang lagi ko namang sinasabi, same lang kami ng manager,” tugon ni Carla sa tanong.
“Papa P, isa ‘yan sa mga nasasabi ko. Papa P, Piolo Pascual. Mga dream kong maka-work,” dagdag niya.
Inihayag din ni Carla ang kanyang paglagda ng contract renewal sa Kapuso Network noong Enero.
Sa ngayon, abala si Carla sa kanyang proyekto na "Widow's War" kasama si Bea Alonzo, na isang spin-off ng GMA murder mystery series na "Royal Blood" at "Widows' Web."





Comments