Cargo Movers, nangakong magpapalakas ng koponan
- BULGAR
- Apr 5, 2023
- 2 min read
ni Gerard Arce @Sports | April 5, 2023

Mas determinado pang maipakita at mapagtulungan ni Myla “Bagyong” Pablo at bagong koponan na F2 Logistics Cargo Movers ang susunod na kabanata ng kanilang kampanya sa susunod na komperensya matapos maibulsa ang kauna-unahang podium finish sa Premier Volleyball League (PVL) sa All-Filipino Conference 2023 nitong nagdaang Marso.
Inilahad ni Pablo sa kanyang social media post ang saloobin sa pinagdaanang pagsubok at tagumpay sa pangangapa sa bagong koponan matapos lisanin ang runner-up na Petro Gazz Angels bago ang pagsisimula ng komperensiya kasunod ng nakuhang kampeonato noong 2022 Reinforced Conference.
“This is my 1st conference with my new team, F2 Logistics Cargo Movers, and it has never been easy for me or the team since we need to connect and work together immediately to offer our best effort each game,” bulalas ng 29-anyos na outside hitter na unti-unting ginagamay ang posisyon sa koponan na binubuo ng halos matagal ng magkakasama sapol pa noong collegiate league, kung kaya’t sari-saring kuwestiyon at katanungan kung anong mararating nito sa panibagong season. “Many questioned our lineup, we even faced a lot of hate along the way, but that didn't stop us from believing that we could compete for a podium finish or even the title, it only strengthened our team.”
Gayunpaman, hindi nagpaawat ang beteranong koponan na makatapos ng third finish kahit na pansamantala itong nawala dahil sa injury, na tulung-tulong na binuhat nina kapitana Aby Marano, Kim Kianna Dy, Kim Fajardo, Ara Galang, Dawn Macandili, Majoy Baron at Cha Cruz-Behag, na matagal nagkasama sa DLSU Lady Spikers, gayundin sina Ivy Lacsina, Elaine Kasilag, Shiola Alvarez, Chinnie Arroyo at Iris Tolenada.
“What motivates us to win every game is the unwavering love and support of our fans, family, and the entire F2 Cargo Movers family. We promise to come back stronger!” pahayag ni Pablo na sinundan ng pagpabor nina Dy at Marano.








Comments