P5.7M puslit na yosi, nasabat

ni Mervin Reyes @News | November 6, 2026

Photo: 101 master cases ng hinihinalang puslit na sigarilyo na nagkakahalaga ng P5,787,300 - PNP
Nasamsam ng mga awtoridad ang 101 master cases ng hinihinalang puslit na sigarilyo na nagkakahalaga ng P5,787,300 at naaresto ang isang 38-anyos na lalaki sa operasyon sa Dumalinao, Zamboanga del Sur, madaling-araw nitong Miyerkules.
Ayon kay Capt. Derf Jay Maquinta, nadakip ang suspek, residente ng Buug, Zamboanga Sibugay, ala-1:25 ng madaling- araw sa Sitio Baroy, Brgy. Rebokon.
Ani Maquinta, walang kaukulang Bureau of Internal Revenue (BIR) tax stamp at mandatory graphic health warning ang mga nakumpiskang sigarilyo.
Ang pinagsanib na puwersa ng Regional Intelligence Division 9, 902nd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 9, Dumalinao Municipal Police Station at Zamboanga del Sur Police Intelligence Unit, ang nagsagawa ng operasyon.
Dinala sa Dumalinao Municipal Police Station ang suspek at mga nakumpiskang sigarilyo para sa kaukulang disposisyon at paghahain ng mga kaso.





Comments