Car dealer, tiklo sa P2M shabu
- BULGAR

- 2 days ago
- 1 min read
ni Levi Gonzales @News | September 6, 2026

Photo: PNP Batangas Police Provincial Office
Arestado ang dalawang umano’y high-value individuals (HVIs) matapos makumpiskahan ng tinatayang nasa 303.3 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2.04 milyon sa buy-bust operation sa Brgy. Poblacion, Malvar, Batangas.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas Dennie, 32, buy-and-sell, dealer ng sasakyan, at Rea, 30, kapwa residente ng Brgy. Wawa, Taguig City.
Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Malvar Municipal Police Station, sa koordinasyon ng PDEA Region 4A.
Nakumpiska rin ang P200K buy-bust money, dalawang cellphone, P5,100 cash at isang sasakyan.





Comments