ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 6, 2024
BANGKOK, Thailand - Nagpaplano ang gobyerno ng Thailand na agad na maipasa ang isang batas upang pigilin ang mga tao mula sa paggamit ng cannabis para sa bisyo o paglilibang.
Sumunod ang desisyong ito matapos na gawing legal ang cannabis noong 2022.
Maraming tindahan ng cannabis ang nagbukas, lalo na sa Bangkok, na nakababahala sa ilang mga tao na nais ng mas mahigpit na mga patakaran.
Sinabi ng health minister na si Chonlanan Srikaew nitong Martes na isang bagong panukalang batas na nagbabawal sa recreational use ng cannabis ang ihaharap sa susunod na linggo sa pulong ng kabinete.
“The new bill will be amended from the existing one to only allow the use of cannabis for health and medicinal purposes,” pahayag ni Srikaew sa mga reporteers.
Madalas na nagpapahayag si Prime Minister Srettha Thavisin, na umupo sa puwesto noong nakaraang Agosto, tungkol sa kanyang pagtutol sa recreational use ng droga at sinabi na dapat lamang itong payagan para sa medisinal na gamit.
Comments