top of page

Canino ng Lady Spikers at Buddin ng NU, birador ng Game 1 finals

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 2 min read

by Gerard Arce @Sports News | May 7, 2026



Melvin Jerusalem vs Siyakholwa Kuse - Circulated

Photo: Mabilis na umatake ng bola si National University Lady Bulldogs team captain Vange Alinsug laban sa dobleng depensa nina Shevana Laput at Katrina Del Castillo ng De La Salle University Lady Spikers sa paghaharap nila sa UAAP Season 88 Women’s Volleyball Tournament championship Game 1 finals sa MOA Arena, Pasay City. (Reymundo Nillama)



Mga laro sa Sabado

(MOA Arena)

11 a.m. - Men's Awarding Ceremony

12 p.m. - NU vs FEU (Men's Finals)

4 p.m. - Women's Awarding Ceremony

5 p.m. - NU vs DLSU (Women's Finals) 



Tinudla ng De La Salle University Lady Spikers ang kumbinsidong panalo mula sa pagbida ni dating Rookie/MVP Angel Anne Canino upang dalhin ang koponan sa 25-23, 25-18, 25-18 straight sets kontra sa mahigpit na karibal na defending champions National University Lady Bulldogs, habang lumapit naman sa ika-anim sunod na kampeonato ang NU Bulldogs nang itala ang come-from-behind panalo laban sa top seed Far Eastern University Tamaraws sa 21-25, 25-19, 21-25, 25-20, 15-8 sa Game 1 ng men’s volleyball finals sa dobleng championship aksyon kahapon sa UAAP volleyball tournament sa MOA Arena sa Pasay City.


Lumapit sa ika-13 kampeonato ang green-and-white lady squads na ipinakita ang matinding pagnanais na mabawian ang Lady Bulldogs na nagpataob sa kanila noong nagdaang season, tangan ang mahigpit na determinasyon upang mapanatiling undefeated sapol nung preliminary round sa pagkuha ng 14-0 tungo sa awtomatikong pagpasok sa best-of-three finals.


Nanguna ang tubong Bacolod City spiker sa kabuuang 17 puntos. “I guess yung turning point yung reminder ni coach (Ramil De Jesus), kase medyo tense kami sa simula, and ni-remind lang kami kung ano yung mga pinaghirapan at pinag-aralan namain during trainings. Malaking bagay yung ginising kami ni coach,” pahayag ng 22-anyos na outside hitter, sa kanyang ika-apat na taon sa liga. 


Kinapos naman para sa NU Lady Bulldogs si Arah Panique sa 18 puntos. Naging pangunahing birador para sa NU Bulldogs sina Alas Pilipinas members Michaelo Buddin, Jade Disquitado, at Leo Ordiales para ihataw ang mga krusyal na atake upang pagbidahan ang defending champions para hanapin ang panibagong kampeonato. Umiskor si Buddin ng 20 puntos.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page