Canino, Dela cruz at Gagate, nagmalupit sa Lady Bulldogs
- BULGAR
- Mar 24, 2023
- 2 min read
ni Gerard Arce @Sports | March 24, 2023

Mga laro sa Sabado
(Philsports Arena, Pasig City)
Second Round Eliminations
9:00 n.u. – Ateneo Blue Eagles vs UE Lady Warriors
12:00 n.u. – UST Golden Tigresses vs Adamson Lady Falcons
2:00 n.h. – FEU Lady Tamaraws vs UP Lady Maroons
4:00 n.h. – DLSU Lady Spikers vs NU Lady Bulldogs
Nawala na ang gutom na manalo na siyang pangunahing napansin ng National University Lady Bulldogs matapos malasap ang masaklap na straight set pagkatalo sa undefeated na De La Salle University Lady Spikers sa 85th University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women's volleyball tournament.
Matatandaang tinuldukan ng Lady Bulldogs ang 65-taong pagkagutom sa titulo, subalit sapol ng matikman ang 25-10, 25-15, 25-21 pagkatalo nitong Miyerkules, isa na umanong senyales na isang malungkot na paalala para kay reigning Rookie/MVP Mhicaela “Bella” Belen kasunod ng pangwawalis sa kanila ng La Salle. Hindi pinatikim ng panalo ng NU ang DLSU sa nagdaang 84th season sa 4-0 mula sa tig-dalawa sa eliminasyon at Finals.
“Siguro sa aming mga player, 'yung hunger namin sa paglalaro, medyo nawala po,” wika ni Belen sa nakuhang pagkatalo sa DLSU, kung saan tanging siya ang nakakuha ng double-digit puntos sa 12 mula sa 11 atake. “Makikita po sa La Salle na gusto nila makuha 'yung game, point by point, kumpara sa amin.”
Maagang ipinadama ng Lady Spikers ang kanilang bagsik at kawastuhan ng opensa at depensa ng ibaon ang Lady Bulldogs na pinagbidahan ng tatlong manlalaro sa pangunguna ni super-rookie Angel Canino na tumapos ng 14 puntos mula sa 11 atake, Fifi Sharma sa 12 pts mula sa 10 atake at Jolina Dela Cruz sa 11 pts, habang matinding depensa ang ipinakita ni Thea Gagate, Leila Cruz at Justine Jazareno, habang kapos sa suporta mula kina Alyssa Solomon sa walong puntos ni Finals MVP Princess Robles sa anim.








Comments