Canadian, habambuhay kulong sa P9.68B drug case
- BULGAR

- Jun 13
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | June 13, 2026

Photo: PNP
Nahatulan ng habambuhay na pagkakakulong ang isang Canadian national na sangkot sa pagkakasabat ng humigit-kumulang 1.4 toneladang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P9.68 bilyon sa Alitagtag, Batangas noong 2024.
Ang naturang operasyon ay itinuturing na isa sa pinakamalalaking drug bust sa kasaysayan ng bansa.
Gayunman, ayon sa mga awtoridad, higit sa laki ng nakumpiskang droga ang kahalagahan ng kaso dahil nauwi ito sa hatol ng pagkakasala laban sa isa sa mga responsable.
Ipinakita ng naging desisyon ng korte ang kahalagahan ng koordinasyon ng mga ahensya ng pamahalaan sa pagbuo ng kasong kayang tumindig sa hukuman.
Kasabay nito, binigyang-diin ng Philippine National Police (PNP) ang patuloy nitong pagpapatupad ng intelligence-driven investigations sa ilalim ng pamumuno ni PNP Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr.
Para sa mga awtoridad, ang hatol ay patunay na ang tagumpay ng isang anti-drug operation ay hindi lamang nasusukat sa dami o halaga ng nakukumpiskang droga, kundi sa kakayahang mapanagot ang mga nasa likod ng ilegal na kalakalan.





Comments