Canada unang pumasok sa knockout playoffs ng FIFA
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
ni Anthony E. Servinio @Sports | June 30, 2026

Photo: Makasaysayan ang kauna-unahang knockout win ng Canada laban sa South Africa sa FIFA World Cup 2026 kung saan pinabagsak ang Africans tungo sa Round-of-16.
Laro ngayong Martes
1 AM Brazil vs. Japan
4:30 AM Alemanya vs. Paraguay
9 AM Netherlands vs. Morocco
Sumandal ang co-host Canada sa makapigil-hiningang goal ni Stephen Eustaquio at pauwiin ang Timog Aprika, 1-0, sa simula ng knockout playoffs ng FIFA World Cup 2026 sa SoFi Stadium sa Inglewood, California.
Mula 48 ay 31 koponan na lang ang naiiwan sa pinakamalaking palaro sa buong mundo.
Walang iskor at nagbabanta ang dagdag 30 minuto, bumira si Eustaquio mula 30 talampakan sa ika-92 minuto at walang nagawa ang depensa. Masikat ang resulta para sa Springboks dahil nasa sa kanila ang bola 55% ng panahon subalit kalidad ang atake ng Canada oras na napunta ang bola sa kanila at sumipa ng 12 beses kung saan pito ay muntikan na.
Susunod para sa Canada ang mananaig sa pagitan ng Netherlands at Morocco ngayong araw sa Estadio BBVA sa co-host Mexico. Ang laro ng Canada sa Round-of-16 ay sa Linggo sa NRG Stadium sa Houston, Texas. Ilan sa mga aabangan pang laro sa Round of 32 ay ang paboritong Brazil laban sa Japan ngayong araw sa NRG. Lalabanan ng co-host Estados Unidos laban sa Bosnia at Herzegovina sa Hulyo 2 sa Levi's Stadium sa Santa Clara, California.





Comments