Cambodia at Thais nalusutan ang Vietnam at Alas Pilipinas
- BULGAR

- Jul 16
- 1 min read
ni Elyssa Nichole. @Sports | July 16, 2026

Photo: Tinatluhan sa pqg-block ng Cambodia ang Alas Pilipinas men spiker sa kanilang bakbakan sa SEA V Cup na idinaraos sa Candon City, Ilocos Sur.
Hindi kinaya ng Alas Pilipinas ang husay ng Cambodia kaya nalasap ang 23-25, 30-28, 20-25, 25-22, 8-15 kabiguan sa simula ng Week One ng Southeast Asian Volleyball Cup (SEA V Cup) men's division na nilaro kagabi sa Candon Arena.
Matapos magtabla sa tig-2 set na panalo ay biglang nalusaw ang lakas ng Alas Pilipinas at tuluyan na silang yumuko sa Cambodia. Kumana si Joshua Magalaman ng 21 points habang bumakas si Jude Garcia ng 20 markers para sa Alas Pilipinas.
Nalasap ng Alas Pilipinas ang unang talo habang nasa tuktok ng Pool B ang Cambodia tangan ang 1-0 record.
Samantala, nagwagi sa unang laro ang Thailand kontra Vietnam sa 33-31, 18-25, 25-19, 25-16. Pang No. 66 sa FIVB world rankings, kinailangan ng Thais ng 41 minuto upang tapusin ang Vietnam sa event na ang punong abala ay Candon City.
Ayon kay skipper Amornthep Khonhan, ginawa lamang nila ang kanilang mga ine-ensayo upang makuha ang panalo sa tournament na makakakuha ng FIVB world ranking points. “We just had to push harder and play our volleyball,” sabi ni Khonhan.





Comments