top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Caloocan at Mindoro Tams, sinuwag ang Negros at Kuyas

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 15, 2021
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | December 15, 2021





Buong tapang na ipinasok ni Paolo Javillonar ang bola na may tatlong segundo sa orasan upang ibigay sa Caloocan Excellence ang 80-79 tagumpay laban sa Negros Muscovado sa pagpapatuloy ng CTG Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Invitational 2021 sa MOA Arena. Sa naunang laro, kinolekta ng EOG Burlington Mindoro Tamaraws ang ikalawang sunod na panalo sa Bulacan Kuyas, 79-72, para sa solong liderato ng Grupo D.


Pinulot ni Javillonar ang mintis na tres ni Joseph Penaredondo para sa pinakamahalagang puntos ng laro. Tumawag ng timeout ang Negros subalit minadali ni Jonathan Gantalao ang tira sabay tunog ng huling busina.


Nagtala ng 15 puntos at 19 rebound si Best Player Javillonar habang 16 puntos si Penaredondo. Nanguna sa Muscovados si Gantalao na may 23 puntos. Ipinasok ni Alvin Baetiong ang lahat ng 12 puntos sa 3rd quarter upang itulak ang Mindoro sa 66-52 na lamang matapos malugmok ng 2 puntos sa halftime, 35-37. Sinubukang humabol ng Bulacan sa likod ni Bryan Faundo subalit isinalba ang Tamaraws ng mga mahahalagang puntos nina Jeramer Cabanag at Ryusei Koga na nagsama para sa 11 puntos.


Nanguna si Cabanag na may 15 puntos at Koga na may 14 puntos. Nasayang ang double-double ni Faundo na 22 puntos at 12 rebound.


Sa mga laro noong Martes ng gabi, niregaluhan ni Kyle Tolentino ang kanyang ama na si Coach Elvis Tolentino ng unang panalo para sa Marikina Shoe City laban sa Laguna Krah, 79-73. Nagtala ang nakakabatang Tolentino ng 24 puntos upang mapiling Best Player habang nag-ambag ng 16 puntos si Renato Ular.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page