top of page
Magui Ford Planas at Robbie jaworski - IG.jpg

Caller, ginaya raw ang boses ng amo... P3.55M kinuha sa vault, 2 maid arestado

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
1 min read

by Jeff Tumbado @News | November 27, 2026



2 maid arestado na pagnanakaw - NCRPO - QCPD

Photo: NCRPO - QCPD



Arestado ang dalawang kasambahay matapos umanong tangayin ang P3.55 milyong halaga ng pera, relo at alahas mula sa bahay ng kanilang amo sa Quezon City nang malinlang ng isang babaeng nagpanggap na kanilang employer at nag-utos na buksan ang vault nito.


Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), naganap ang insidente alas-4:30 ng hapon nitong Miyerkules, Nobyembre 25, sa Brgy. Mariana, New Manila.


Batay sa imbestigasyon, nakatanggap ng tawag ang isa sa mga kasambahay mula sa isang hindi pa nakikilalang babae na ginaya umano ang boses ng kanilang amo.


Nagkunwari ang tumawag na nasangkot sa aksidente sa sasakyan na kinasangkutan ng isang bata at nangangailangan agad ng pera para sa gastusin sa ospital.


Inutusan umano ng babae ang kasambahay na puwersahang buksan ang vault sa kuwarto ng kanilang amo.


Humingi naman ng tulong ang kasambahay sa isa pa nitong kasamahan upang mabuksan ang vault gamit ang mga kagamitang pangkonstruksyon.


Iniabot umano ng dalawa ang laman ng vault sa isang hindi pa nakikilalang lalaki malapit sa isang simbahan sa nasabing barangay.


Kabilang sa mga natangay ang P300,000 cash at P3.25 milyong halaga ng mga relo at alahas.


Nasa kustodiya na ng pulisya ang dalawang kasambahay habang patuloy na pinaghahanap ang dalawa pang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page